Gusto ko sanang i-post dito yung photo ni Renz Jay para makita nyo yung nice na smile nya. Kaso hindi kasi pwede na i-post yung mga photo from orthopedic eh. I'll just share my experience.
We arrived at the hospital around 9:30am. We were welcomed by a Kythe staff. Dinala nya kami sa Kythe room for a brief reminder. After ng reminders, lumabas na kami ng room to meet yung mga kids. Ten of us were assigned sa Children Ward #2. Si Jenny Lyn yung pinakilala sa unang patient. Then, turn ko na, yung second patient may lagnat and ayaw daw nyang makipaglaro kaya lumipat kami sa tapat na bed. At ayun, nakilala ko na si Renz Jay. Nung una, super nahihiya sakin si Renz. Hindi sya nagsasalita pero nagsmile naman sya. Kasama ni Renz yung older sister nya. Sabi ng Ate nya, sya muna daw yung bantay kay Renz kasi wala naman daw siyang pasok. Tinanong ko sa ate nya kung anong nangyari kay Renz, sabi ni ate, nasagasaan daw si Renz ng motor na may tatlong sakay at lasing. Dahil dun, nabali yung bone nya sa thigh. One week pa lng si Renz sa hospital, kita pa nga yung iba nyang sugat. Yung bone nya, pinapantay pa lng.
Arts and craft yung unang activity namin ni Renz. Gumawa kami ng Dog na puppet. Si Renz yung nagdidikit ng mga part ng dog sa puppet nya. Nung tapos na niyang idikit lahat ng part ng puppet, time na para mag-color. Naloka ako sa favorite color ni Renz, usually blue ang favorite ng mga boys pero sya white. At yun yung gusto nyang i-color sa parts ng dog puppet, kaso hindi naman makikita kasi color white na yung bond paper(hehe). Habang nagco-color kami, nagiging makulit na si Renz, kaya kinuwentuhan ko sya ng story ni David. Nung natapos na akong magkwento, tinuloy namin yung pagcolor ni Renz dun sa puppet. Habang nagco-color,
Renz: Birthday ko kahapon!
Meeka: WOW! Happy Birthday! (sabay kanta ng happy birthday song)
Tapos tinanong ko sa Ate nya if birthday nya talaga kahapon,
Ate ni Renz: Hindi po, Kuya po namin may birthday kahapon. June 12 po yung birthday nya.
Naloka ako dun. Hindi pala nya birthday todo kanta ako ng Happy birthday (hehe)
Then pinakita ko din sa kanya yung coloring books na bigay namin. Nung nakita nya yung mga sticker na kasama nung coloring book, super siyang natuwa at idinikit nya yung mga stickers sa mukha, kamay, ulo, at damit nya. Tapos meron din syang idinikit sa thigh nya na may bali pang bones.
Meeka: naku baka masaktan ka
Renz: hindi
Meeka: hindi ba sya nasasaktan?(tanong kay ate)
Ate ni Renz: dati lang, ngayon hindi na.
at ayun, halos puno na sya ng sticker (hehehe). Then, Sir Lee signals us na 10 mins na lng daw. Dahil bata pa si Renz hindi ko mapaliwag sa kanya na in ten minutes ay uuwi na ako.
Meeka: Renz, konting oras na lang uuwi na kami
Renz: Pag-madilim na?
Meeka: Hindi, umaga pa lng aalis na kami.
Renz: Ah, pag-gabi na...
Hindi nya ako naintindihan (hehe). Anyway, nung time na para umalis, nagpicture kami together para may remembrance ako with him.
Balik kami sa Kythe room para sa debriefing. The Kythe staff asked us about our experience with the kids. After ng debriefing, nag-photo op kami then nag say goodbye na sa Philippine Orthopedic.
After ng event namin, I felt so blessed dahil nakilala ko si Renz. And the Holy Spirit reminded me this verse:
The Greatest in the Kingdom of HeavenMatthew 18:1-5At that time the disciples came to Jesusand asked, “Who, then, is the greatest inthe kingdom of heaven?”He called a little child, whom he placedamong them. And he said: “Truly I tell you, unlessyou change and become like little children,you will never enter the kingdom of heaven.Therefore, whoever takes a humble place—becominglike this child—is the greatest in the kingdomof heaven. And whoever welcomes onesuch child in my name welcomes me.
No comments:
Post a Comment